Patuloy na nakakaapekto ang hanging habagat sa kanlurang bahagi ng katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.
Pwedeng magsagawa ng private getaway sa Magalawa Island sa Zambales dahil maganda ang panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila.
Puntahan ang Tumalog Falls sa Cebu habang maulap ang panahon sa Central at Western Visayas.
Makisaya sa Kutoo Festival sa Cateel, Davao Oriental habang maulap ang panahon na may tiyansa ng pag-ulan pagsapit ng hapon o gabi.
May binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa 1,730 kilometers east-northeast ng dulong hilagang Luzon.
Wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Facebook Comments