Umiiral ang hanging habagat sa bansa.
Nakakaapekto ito sa kanlurang bahagi ng central at southern Luzon, maging sa Kabisayaan.
Maaring makipag-piyesta sa Albay lalo at ipinagdiriwang ang Libon Paroy Festival dahil maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila pero may tiyansa ng mga mahihinang ulan.
Tuklasin ang Isla ng Malapascua sa Cebu habang maulap ang panahon subalit may tiyansa ng thunderstorms.
Mamangha naman sa kulay sapphire at emerald na tubig ng Enchanted River sa Surigao del Sur dahil maganda at mainit ang panahon sa Mindanao.
Facebook Comments