Ganap nang isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kaya naman sa mga nagbabalak na mamasyal sa Hundred Islands sa Pangasinan, huwag muna ituloy lalo na at huling namataan ang LPA sa layong 380 kilometro kanluran ng Dagupan City.
Mataas ang tyansa na maging ganap na bagyo ang LPA pero inaasahang kikilos ito papalabas ng West Philippine Sea.
Palalakasin ng sama ng panahon ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa Mimaropa, Cavite, Batangas, Bataan at Zambales.
Magiging maganda ang panahon sa Visayas at Mindanao kaya magandang mamasyal at saksihan ang Sandugo Festival na matatapos ngayong araw sa Tagbilaran City sa Bohol.
Isa itong month long festival na idinaraos taon-taon sa Tagbilaran City bilang isang pagkilala sa treaty of friendship sa pagitan nina Datu Sikatuna, ang chieftain ng Bohol at ng Spanish conquistador na si Miguel López de Legazpi noong March 16, 1565 sa pamamagitan ng blood compact o “sandugo”.
Sunrise – 5:38AM
Sunset – 6:26 PM