Maagang inulan ang Metro Manila at ang mga kalapit nitong lalawigan ngayong araw dahil sa epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Whipa na nasa southern part ng China.
Kaya naman sa mga nagbabalak na mamasyal ngayong araw sa Luneta Park o sa Baywalk, huwag ninyong kalimutang magdala ng payong o anumang pananggalang sa ulan.
Sa abiso ng PAGASA, moderate hanggang heavy na pag-ulan ang nararanasan ngayong araw sa Pangasinan, Zambales at Bataan.
Gayundin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Mimaropa, Calabarzon at Metro Manila.
Asahan din na magiging maulan ang selebrasyon ng Sal-lupongan Festival sa New Bataan, Compostela Valley.
Ito ay dahil sa epekto ng Low Pressure Area (LPA) na nasa 915 kilometers east ng Virac, Catanduanes.
Posible itong maging bagyo at tatama sa kalupaan bago lumabas ng bansa.