Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Lalo pang lumakas ang bagyong Hanna na ngayon ay isa nang severe tropical storm.

Huli itong namataan sa layong 795 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na 150 kph.


Patuloy din nitong pinapalakas ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Western Visayas, hilagang bahagi ng Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Cavite, Batangas at Laguna.

Habang ang Metro Manila, Central Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may sasamahan ng light to moderate rains.

Samantala, sa nalalabing bahagi ng Visayas at sa buong Mindanao naman ay makakaranas ng magandang panahon ngayong araw.

Facebook Comments