Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na umiiral ang hanging habagat ngayong araw sa bansa.

Partikular na apektado nito ang western section ng northern at central Luzon.

Dahil dito, makakaranas ng localized thunder storm ang ilang bahagi ng bansa partikular sa Mimaropa Region.


Magiging maalon naman ang karagatan sa northern at central Luzon kaya pinag-iingat ang mga mangingisdang may maliliit na bangka na huwag munang pumalaot sa baybaying dagat.

Malaki din ang tyansang ulanin ang bahagi ng Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngayong weekend kaya huwag kalimutang magdala ng payong ang makikisaya sa Coron Festival sa Tiwi, Albay.

Samantala, maaari rin makisaya sa Kadayawan Festival sa Davao City bilang pasasalamat kay Manama at Bulan.

Mag-enjoy sa pagbisita sa Kumbira Festival sa bahagi ng Cagayan de Oro habang aprub ding puntahan ang Gathering of Mindanao Ethnolinguistic Groups sa Kalibongan Festival o (Horse Fight & Blood Compact) sa Kidapawan City, Cotabato.

 

Sunrise – 5: 42AM

Sunset – 6:18PM

Facebook Comments