Uulanin ang selebrasyon ngayong araw ng Bankaton Festival sa Lavezares, Northern Samar.
Nakakaapekto kasi ngayon ang trough o yung extension ng Low Pressure Area (LPA) na nasa Northern Samar.
Huling namataan ang LPA sa layong 975 km east ng Catarman, Northern Samar at mababa ang tiyansang maging bagyo sa loob ng 24-oras.
Magpapaulan din extension ng LPA sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Samantala, habagat naman ang nagpapaulan ngayon sa western section ng northern Luzon.
Partikular na apektado nito ang Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magiging maaliwalas ang panahon.
Sunrise – 5:43AM
Sunset – 6:16PM
Facebook Comments