Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na uulanin ang Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Huli itong namataan sa layong 675 kilometers east northeast ng Diwan, Eastern Samar.

Inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na 12 oras na tatawaging “Jenny”.


Samantala, sa mga makikisaya naman sa Kalivungan Festival sa North Cotabato, huwag lang kalimutang magdala ng payong,

Makakaranas kasi ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Posible rin ang mga isolated rain shower sa hapon at gabi dahil sa localized thunderstorm.

Facebook Comments