Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Tamang panahon ngayong araw para isampay ang mga pinaglabahang damit.

Wala na kasing binabantayang sama ng panahon ang nasa loob ng bisinidad ng bansa.

Maki-throwback Thursday kasama ang mga Pasigueño habang ipinagdiriwang nila ang “Nagsabado Festival.” Kung saan ginugunita ang rebolusyong pinasiklab nina Andres Bonifacio at Valentin Cruz habang maaliwalas ang panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila.


Magdala ng payong sa mga papasyal sa Bikini Floating Bar sa Mindoro, dahil magiging maulan sa lalawigan, kasama ang Batangas at Bataan, maging sa Zambales na apektado ng hanging habagat.

Mamangka sa Lake Balanan sa Negros Oriental dahil maaliwalas ang panahon sa Kabisayaan.

Magtago sa Tinago Falls sa Iligan City habang maganda ang panahon sa Mindanao.

Facebook Comments