Panibagong Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa silangang bahagi ng Luzon na namataan sa layong 485km silangan ng Aparri, Cagayan.
Ayon sa metro map ng metro weather, posible itong tumama sa northern Luzon ngayong araw habang may tsansa rin itong maging bagyo paglagpas ng kalupaan ng Luzon at West Philippine Sea.
Posible nitong palakasin ang hanging habagat na magpapaulan sa Metro Manila at iba pang lugar ngayong weekend.
Dahil dito, makakaranas ng pag-ulan ang bahagi ng northern Luzon maging sa Visayas at Mindanao na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, nagpaalala naman ang PAGASA sa mga mangingisda sa bahagi ng Ilocos Region, Zambales at Bataan na huwag munang pumalaot partikular sa may mga maliliit na sasakyang pandagat.
Habang hinihintay ang pagbuhos ng ulan, samantalahing pumunta at mamangha sa ganda ng Lake Pinatubo sa Zambales habang ipinagdiriwang ngayon ang araw ng kapanganakan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.
Sunrise – 5:44 AM
Sunset- 6:09 PM