Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magiging maulan sa hilagang bahagi ng Luzon.

Umiiral kasi ang northeasterly surface windflow o unang bugso ng hanging amihan.

Puntahan ang Batangas para gunitain ngayong araw ang anibersaryo ng kapanganakan ni General Miguel Malvar habang maganda ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon.


Manood sa mga lumalangoy na dolphin sa Manjuyod Sandbar sa Negros Oriental dahil mainit at maalinsangan sa Kabisayaan at Mindanao.

Samantala, may binabantayang isang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at inaasahang papasok ito bukas ng umaga.

Huli itong namataan sa layong 1,685 kilometers silangan ng Visayas at mababa ang tiyansang tumama sa kalupaan.

Pero inaasahan pa rin itong lumakas dahil humihigop pa rin ito ng lakas sa Pacific Ocean.

Facebook Comments