Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Mas asahan pa rin ang mga thunderstorms sa hapon o gabi.

Pero huwag mabagabag dahil maganda ang panahon sa buong Luzon kasama ang Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng Bagabag Town Festival sa Nueva Vizcaya.

Huwag nang magdahilan pa at puntahan ang Dahilayan Forest Park sa Bukidnon dahil maganda ang panahon sa Kabiyasaan at Mindanao.


Samantala, binabantayan ang typhoon Hagibis na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Mayroon na itong lakas ng hanging nasa 120 kilometers per hour at pagbugsong 150 kph.

Posibleng pumasok ito sa bansa sa Miyerkules o Huwebes at mababa ang tiyansang tatama ng lupa.

Facebook Comments