Magdadala ng pag-ulan ang trough o extension ng bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na ‘Hagibis’.
Partikular na apektado nito ang Bicol Region, Central at Eastern Visayas, at Eastern sections ng Mindanao.
Sa ngayon kumikilos ang bagyo pa-hilaga o patungong Japan.
Pero kahit maulan sa Visayas at Mindanao, hindi tayo papapigil upang tikman ang masasarap na prutas na handog sa Ting’udo Festival (fruit harvest) sa Makilala, Cotabato.
Maki-saya din sa Karakol Festival sa Mamburao, Occidental Mindoro na nagdiriwang din ngayon para sa patron ng kanilang bayan na si Saint Nuestra Señora del Pilar.
Maganda ang panahon sa buong Luzon kaya tayo na at magtampisaw sa Saud Beach sa Pagudpod na kilalang “Boracay of the North”
Iiral din ang northeasterly surface windflow o hangin na galing sa hilagang-silangan na magdadala ng may kalamigang panahon sa madaling araw at umaga sa Northern Luzon.