Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Walang masamang panahon ang binabantayan sa loob ng bisinidad ng bansa.

Kaya, humigop na ng mainit na kape kasabay ng pagdiriwang ng Coffee Festival sa Lipa City, Batangas na match-na-match sa malamig ang panahong nararanasan sa buong hilagang Luzon dulot ng northeasterly surface windflow.

Huwag nang magpakipot, at puntahan ang Potipot Island sa Zambales habang maganda ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon.


Kung trip ay coral reefs at seagrass beds, pasyalan ang Olango Island dahil maaliwalas din ang panahon sa Kabisayaan.

Hakutin mo na ang mga kaibigan mo at mag-water rafting sa Cagayan River dahil maganda rin ang panahon sa buong Mindanao.

Facebook Comments