Patuloy pa ring makakaranas ng pag-ulan ng Quezon Province, Camarines Province, at Catanduanes dahil sa epekto ng north easterly wind flow.
Kaya enjoyin muna ang malamig na panahon sa pagkain ng kakanin na angko habang humihigop ng mainit na kape sa Vinzon, Camarines Norte.
Makisaya naman sa pagdiriwang ng Tangub Festival sa Ormoc City, Leyte habang nagtatampisaw sa malamig na tubig ng Bulingan Falls sa Lamitan City, Basilan
Magandang panahon kasi ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, isang panibagong bagyo naman ang binabantayan ng PAGASA sa may Pacific Ocean na may international name na “Bualoi.”
Huli itong namataan sa layong 2155 silangan ng Visayas.
Wala namang epekto ito sa bansa at maliit naman ang tiyansa nitong tumama sa kalupaan.