Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Maalinsangan at mainit na panahon pa rin ang mararanasan ng bansa ngayong araw maliban lang sa mga localized thunderstorm sa hapon at gabi.

Kaya bisitahin ang asul na lupa sa Kuman Utek Hills sa Baranggay Balili sa Bontoc.

Sigurado namang mamamanha ka sa nakatagong ganda ng Natago Beach sa Sinapsapan Jordan sa Guimaras.


Magtampisaw naman sa malamig na tubig ng Pulacan Falls sa Lambangan, Pagadian.

Samantala, asahan naman ang isa hanggang dalawang bagyo ayon sa PAGASA bago matapos ang taong 2019.

Kaugnay nito, patuloy pa ring binabantayan ang bagyong may international name na typhoon ‘Bualoi’ sa layong 2,575-kilometers sa hilagang bahagi ng Luzon.

Facebook Comments