Patuloy ngayong binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng ating Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ito sa layong 220 kilometers silangang timog silangan ng Puerto Princesa, Palawan.
Inaasahang maging tropical depression ang nasabing LPA sa loob ng 24-36 oras.
Bunsod nito ay makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Visayas, Tawi-Tawi, Basilan at Sulu.
Amihan naman ang iiral at magpapaulan sa Batanes at Babuyan Islands habang magandang panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, nagkansela naman ng klase (all levels) ang Tabaco City, Ligao City, Daraga, Libon, Pioduran, Camalig, Guinobatan sa Albay dahil sa sama ng panahon.
Facebook Comments