Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na nagdadala ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang isang Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ang bagyo sa layong 150 kilometers west southwest ng Dumaguete City, Negros Oriental.

Maghanda ang mga taga-Palawan sa mga ulang hatid ng LPA habang tatawid ito patungong West Philippines Sea.


Magdala ng atchara habang nakikipista sa Calacatchara Festival sa Calaca, Batangas subalit may pag-ulan sa katimugang Luzon dulot ng LPA.

Pero alamin ang nakakakilabot na kwento sa likod ng Laperal House sa Baguio habang malamig ang panahon sa hilagang Luzon dulot ng hanging amihan.

Mangilabot habang nasa loob ng Villalon Mansion sa Cebu kasabay ng maulang panahon sa Kabisayaan.

Titindig ang balahibo mo sa istoryang bumabalot sa Talomo Beach sa Davao del Sur habang may kalat-kalat na pag-ulan sa halos buong Mindanao.

Facebook Comments