Makakaranas ng mga pag-ulan ang Northern Mindanao, Caraga, Davao Region at sa buong Visayas dahil sa paparating na Low Pressure Area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 730 kilometer silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Maliit man ang tiyansa nitong maging bagyo pero inaasahang magpapaulan ito sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na 48 oras.
Kaya sumilong muna sa lampas na ganda ng Kuwebang Lampas sa Pagbilao, Quezon Province.
Inaasahan namang magpapaulan ang amihan sa Batanes kaya magpainit at humigop muna ng mainit na sabaw ng Arayu.
Gusto mo ba ng Venice Ambiance, isama na ang buong barkada sa tinaguring “Venice of the South” sa Sitangkai, Tawi-Tawi.
Magandang panahon kasi ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa maliban sa mga localized thunderstorm sa hapon at sa gabi.