Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

May binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa boundary ng Pilipinas.

Ito ay nasa 1,210 kilometers silangan ng Katimugang Luzon at mataas ang tiyansang maging ganap na bagyo.

Magbaon ng saging habang sumisilong sa Sumaguing Cave sa Sagada, Mountain Province habang maulap ang kalangitan na may panaka-nakang ulan sa Ilocos Region at Cagayan Valley dulot ng tail-end of cold front.


Maligo sa Ditumabo Falls sa Aurora Province pero may pag-ulan sa Aurora at Bicol Region at Eastern Visayas dulot ng trough ng LPA.

Isama ang minamahal at makipiyesta sa Taw-Anay Gugma Festival sa Dumalag, Capiz habang maaliwalas ang panahon sa Central at Western Visayas.

Magtampisaw sa Malamawi Beach sa Zamboanga ngunit may pag-ulan sa Caraga at Davao Region.

Facebook Comments