Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Malamig na panahon ang asahan sa hilagang Luzon.

Mag-ipon na para sa nalalapit na Pasko kasabay ng pagdiriwang ng Santa Ipon Festival sa Ilocos Sur habang umiiral ang hanging amihan sa northern Luzon.

Malalaking parol ba ang hanap? Puntahan ang Christmas Capital of the Philippines,’ ang San Fernando, Pampanga habang maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.


Magbilad sa San Juan Beach sa Siquijor dahil maganda ang panahon sa buong Kabisayaan at Mindanao maliban sa Eastern Visayas at Caraga Region na may pag-ulan dulot ng easterlies.

Facebook Comments