Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magtaklob na ng kumot at magsuot na ng jacket ang mga nasa hilagang Luzon.

Nakakaapekto pa rin kasi ang hanging amihan habang ipinagdiriwang sa Dagupan City ang Panangedayew Festival.

Pasyalan ang Lignon Hill sa Bicol Region habang maulap sa rehiyon kasama ang Cordillera, Cagayan Valley, Aurora at Quezon dulot pa rin ng hanging amihan.


Mahilig ka ba sa Greek at European culture, bisitahin ang Fortune Island sa Nasugbu, Batangas dahil maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Mag-relax sa Balut Island sa Saranggani pero may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, kasama ang Northern Mindanao, Davao Region at Palawan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Samantala, lalo pang lumakas ang typhoon na may international name na “Kammuri” na huling namataan sa layong 1,950 kilometers silangan ng Visayas.

Taglay na nito ang lakas na nasa 85 kph at pagbugsong 105 kph.

Kapag lumapit pa ito sa bansa ay tatawagin na itong bagyong ‘Tisoy.’

Facebook Comments