Dalawang weater system ang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Una ay ang easterlies na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Asahan ang mahihinang ulan sa Cagayan Region, Isabela, Aurora at Quezon habang ang natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon.
Bukod dito, isang Low Pressure Area (LPA) na nasa 505 kilometers silangan-timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang LPA ay mababa ang tiyansang maging bagyo subalit magdadala ito ng mga pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Samantala, may binabantayang tropical depression na naa 2,150 kilometers silangan ng Mindanao at taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.
Inaasahang papasok ito ng PAR sa Lunes.