Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Uminom ng malamig na buko juice habang nakikipista sa San Pablo, Laguna para sa kanilang Coconut Festival.

Mamangha sa Rock Formations sa Diguisit Beach sa Baler, Aurora pero may mahihinang ulan dahil sa hanging amihan sa Quezon, kasama ang Cagayan Valley at Cordillera.

Pasukin ang Sohoton Cave sa Samar dahil may ulang hatid ang easterlies sa Eastern Visayas.


Magtago sa Tinago Falls sa Iligan City habang maganda ang panahon sa Mindanao.

Samantala, nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na nasa 1,930 kilometers silangan ng Mindanao.

 

Facebook Comments