Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy pa ring nakakaapekto sa Luzon ang hanging amihan.

Asahan ang mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, maging sa Aurora at Quezon.

Maaliwalas sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila pero magkakaroon ng mga panandaliang ulan.


Maganda ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa isolated thunderstorms sa hapon o gabi.

Samantala, binabantayan pa rin sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area na nasa 1,260 kilometers silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ito ng PAR anumang oras ngayong araw pero mababa pa rin ang tiyansa nitong maging bagyo.

Facebook Comments