Dominante pa rin ang hanging amihan na nakakaapekto sa Northern Luzon.
Ibulsa ang travel allowance at pumunta sa Bulsa River sa Tarlac dahil maganda ang panahon sa ilang bahagi ng Luzon maliban sa mga pag-ulan sa Cordillera, Cagayan Valley at Quezon dulot ng hanging amihan.
Pasyalan ang Pawikan Cave sa Gigantes, Iloilo subalit makulimlim sa central at eastern Visayas dahil sa trough o extension ng Low Pressure Area (LPA) na nasa 670 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mag-relax sa Panampangan Island ngunit may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao dahil din sa LPA.
Facebook Comments