Ihanda ang mainit na champorado ngayong umaga.
Tawirin ang makasaysayang Balete Pass sa Nueva Viscaya pero makulimlim ang hatid ng hanging amihan sa Cagayan Valley, Cordillera at Aurora Province.
Magpatila ng ulan sa Bat-Ongan Cave sa Masbate dahil ang tail-end of cold front ay magdadala ng ulan sa halos Bicol Region.
Makipista sa Aklan ngayong araw para sa Batan Ati-Ati Malakara Festival habang maaliwalas ang panahon sa Visayas maliban sa Samar at Leyte.
Puntahan na ang Punta Beach sa Maguindanao habang maganda ang panahon sa halos buong Mindanao.
Samtanala, ang direksyon ng hangin ay northeast-to-east, kaya asahang maaapektuhan ng ash fall mula sa Bulkang Taal ang Cavite at Western Batangas kung ang posibleng eruption column ay umabot ng hanggang pitong kilometro.