Dalawang weather system ang umiiral sa bansa.
Ang malamig na *northeasterly surface windflow* ang nakakaapekto sa Luzon habang ang mainit na *easterlies* ang umiiral sa Visayas at Mindanao.
Sa Luzon, kasama na ang Metro Manila ay magiging maaraw habang may tiyansa ng isolated rainshowers ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon at Bicol Region.
Mainit at maalinsangan naman ang panahon ang asahan sa Kabisayaan at Mindanao subalit may biglaang ulan sa Caraga lalo na sa Surigao at Dinagat Island.
Ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa alinmang baybayin ng bansa.
Facebook Comments