Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Makakaranas pa rin ng bahagyang mainit na temperatura sa halos buong bansa ngayong araw.

Mahina ang epekto ng northeast monsoon o hanging amihan habang umiiral ang mainit na easterlies.

Sa Luzon kasama ay magiging maaraw at may kainitan ang panahon sa Metro Manila at Tuguegarao.


Maaliwalas naman ang panahon sa Kabisayaan at Mindanao maliban sa mga pulu-pulong pag-ulan sa Samar, Leyte at Caraga Region.

Dahil sa epekto ng amihan, magiging katamtaman hanggang sa maalong karagatan sa hilaga at silangang baybayin ng bansa.

Facebook Comments