Patuloy na umiiral ang easterlies o hanging mula sa karagatang pasipiko.
Nakakaapekto ito sa Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – hindi pa rin idedeklara ang summer season dahil inaasahang bubugso muli ang malamig na northeast monsoon o hanging amihan.
Sa buong Luzon kasama ang Metro Manila ay makakaranas ng maaliwalas ng panahon maliban sa mga isolated rainshowers.
Mainit at maalinsangan sa Kabisayaan at Mindanao.
Facebook Comments