Mababawasan ang nararamdamang init sa hilagang Luzon.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – dulot ito ng tail-end of cold front na nakakaapekto sa Northern at Central Luzon.
Magdadala ito ng mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Aurora habang mainit at maalinsangan sa natitirang bahagi ng Luzon.
Maaraw at maalinsangan sa Kabisayaan at Mindanao.
Facebook Comments