Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Posibleng makaranas ng ulan ang ilang lugar sa Luzon.

Ito ay dahil sa umiiral na tail-end of cold front na magdadala ng mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Aurora.

May tiyansa rin ng isolated thunderstorms sa ilang bahagi ng Northern Luzon, Central Luzon at Calabarzon.


Maaraw naman sa Western at Central Visayas.

Maulap naman ang panahon sa Mindanao at may paminsan-minsang ulan sa Caraga at Davao Region dahil sa trough o extension ng Low Pressure Area (LPA) na malayo pa sa bansa.

Facebook Comments