Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,505 kilometers silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.
Patuloy itong kumikilos sa bilis na 20 kph sa direksyong pakanluran.
Posibleng pumasok ito ng PAR mamayang gabi o bukas ng umaga at tatawagin itong “Chedeng”.
Asahan naman ang maulang panahon sa Batanes, Cagayan Aurora at Quezon Province bunsod ng tail-end of cold front.
Habang magiging maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng bansa.
Nakataas naman ang gale warning sa Northern Luzon kaya pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakayang pandagat na iwasan munang pumalaot.
Samantala, kanselado naman ang sumusunod na biyahe ng Cebu Pacific dahil sa sama ng lagay ng panahon.
5J 504 – Manila-Tuguegarao
5J 505 – Tuguegarao – Manila