Magpapaulan pa rin sa Palawan at ilang bahagi ng Mindanao ang Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong Chedeng.
Huli itong namataan sa layong 35 kilometers hilangang kanluran ng Zamboanga City.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – apektado pa rin ng LPA ang kanlurang bahagi ng Mindanao.
Maaliwalas pero maalinsangan sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Sa Visayas, magiging mainit at maalinsangang maliban sa mga isolated thunderstorms.
Facebook Comments