Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Nakakapasong init ng araw ang dapat pa ring iwasan ngayong araw.

Dominante pa rin ang easterlies na lubos na nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – maliban sa mainit at maalinsangang panahon magdadala ang easterlies ito ng thunderstorms o panandaliang ulan sa hapon o gabi sa Luzon.


May kalat-kalat ding pag-ulan sa Visayas at Mindanao lalo na sa Eastern Visayas at Caraga Region.

Kahapon ng alas-2:00 ng hapon, naitala sa Dagupan City, Pangasinan ang pinakamataas na heat index na pumalo sa 51.7°C.

Itinuturing itong “dangerous level” dahil mataas ang tiyansang magkaroon ng heat cramps, heat exhaustion at posible rin ang heat stroke.

Babala pa ni DOST-PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Jorybell Masallo – mas titindi pa ang mararanasang init lalo na sa pagdating ng Mayo.

Pinapayuhan ni DOH Undersecretary Eric Domingo – na iwasang magbabad sa araw mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon at dalasan ang pag-inom ng tubig.

Sa depinisyon ng state weather bureau, ang heat index ay ang init na nararamdaman ng isang tao kapag nakakaapekto ang temperatura sa katawan nito.

Nalalaman ang index base sa taas ng air temperature at humidity.

Facebook Comments