Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

50

Walang bagyo o anumang sama ng panahon na nakikita ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), isa hanggang tatlong araw simula ngayon.

Asahan na ang magandang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong paggunita ng Mahal na Araw.


Ang easterlies pa rin ang tanging nakakaapekto sa bansa na nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon lalo na pagdating ng tanghali o hapon.

Sa Metro Manila, posibleng umabot sa 35 degree Celsius ang maximum temperature na may init factor na 38 degree Celsius.

Sa Metro Cebu ay nasa 32 degree Celsius ang maximum temperature at nasa 35 degree Celsius ang init factor.

At sa Metro Davao, mataas ang inaasahang maximum temperature na nasa 35 degree Celsius na may init factor na 39 degree Celsius.

Facebook Comments

From Advertisers