Mga ka-Radyoman, huwag kakalimutan ang inuming tubig at payong sa inyong biyahe ngayong Miyerkules Santo.
Mainit at maalinsangan panahon pa rin kasi ang mararanasan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa dahil sa epekto ng easterlies.
Apektado nito ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Magdadala rin ang easterlies ng mga isolated rainshowers lalo na sa bandang hapon o gabi, partikular sa mga lugar sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.
Banayad naman ang karagatan at walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin sa bansa.
Ang temperatura sa Metro Manila ay nasa 26 –33 degree Celsius, Metro Cebu, 25 – 33 at sa Metro Davao, 25 –35.
Facebook Comments