Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Mainit na panahon dahil sa umiiral na easterlies pa rin ang mararanasan ngayong araw.

Kaya sa mga magbabalik sa Metro Manila matapos ang Lenten break, huwag kalimutan ang inyong proteksyon sa matinding sikat ng araw at palaging uminom ng tubig.

Ang temperatura ngayong araw ay inaasahang papalo sa 25- 37 degree Celsius sa Metro Manila, 25-33 sa Cebu at 26-33 sa Davao.


Kahapon ay naitala ang dangerous level ng heat index sa Dagupan, Pangasinan na pumalo sa 49.6 degrees Celsius.

Bukod sa Dagupan, 14 pang lugar ang nagtala ng mataas na heat index na nasa danger category o mula 41 degrees Celsius hanggang 54 degrees Celsius.

Kapag nasa danger category ang heat index, mapanganib ang heat cramps at heat exhaustion sa mga tao at ang patuloy na aktibidad ay maaaring mauwi sa heat stroke.

Facebook Comments