Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Mainit na hangin pa rin ang dala ng easterlies sa bansa.

Bukod sa mainit na panahon, maghahatid ito ng isolated rainshowers sa halos buong bansa.

Pinakamainit na temperatura ngayong araw ay sa Tuguegarao na nasa 38°C habang kahapon ay naitala sa Dagupan City ang pinakamataas na heat index o init na nararamdaman na nasa 45.9°C.


Walang nakataas na gale warning kaya malayang makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa alinmang baybayin ng bansa.

Facebook Comments