Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Naglabas kaninang alas 6:00 ng umaga ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa ilang lugar sa Luzon.

Asahan ang malakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa ilang lugar sa  Batangas, Cavite at Laguna sa loob ng isa hanggang dalawang oras.

May mga isolated rainshowers din sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan at Quezon Province.


Ang localized thunderstorm ay dahil sa epekto ng easterlies o mainit na hangin mula dagat pasipiko na nagdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sunrise 5:33 A.M.

Sunset 6:13 P.M.

Facebook Comments