Dalawang weather system ang nakakaapekto sa bansa ngayong araw.
Apektado ng frontal system o ang pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin ang dulong hilagang Luzon na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Easterlies naman ang nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao na magiging dahilan din ng pag-ulan sa iba pang lugar sa bansa.
Ang temperatura ngayong araw sa Metro Manila ay nasa 26 – 35 degree Celsius, sa Cebu, 27 – 34 at sa Davao, 26 – 33.
Sunrise: 5:33 AM
Sunset: 6:13 PM
Facebook Comments