Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na makakaapekto ang frontal system o pagsasalubong ng malamig at mainit na hanging sa extreme Northern Luzon.

Dahil dito, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Ilocos Norte, Apayao, Cagayan at Batanes.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay iiral pa rin ang maalinsangang panahon.


Gayunman, posible pa rin makaranas ng pulo—pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorm pagsapit ng hapon o gabi.

Pinag-iingat naman ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ng extreme Northern Luzon dahil sa gusty winds o biglaang bugso ng hangin.

Facebook Comments