Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na mae-enjoy ng ating mga kababayan ang maaliwalas na panahon sa Luzon at Visayas dahil sa pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.

Pero ayon sa PAGASA, ugaliin pa ring magdala ng payong dahil may tiyansa pa rin ng isolated light rains sa Metro Manila, Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon

Magiging mainit din ang panahon sa Mindanao maliban sa pulo-pulo at mahihinang pag-ulan sa hapon o gabi bunsod naman ng localized thunderstorm.


Dahil pa rin sa epekto ng amihan, nakataas ang gale warning sa eastern seaboards ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang agwat ng temperatura:

Metro Manila 22 to 31 degrees celsius
Baquio City 14 to 22 degrees celsius

Facebook Comments