Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magdadala ng mga pag-ulan ang frontal system o pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin sa Northern Luzon at silangang bahagi ng Central Luzon.

Mainit na maalinsangan sa nalalabing bahagi ng bansa na may posibilidad ng pulu-pulong pag-ulan bunsod naman ng easterlies o mainit na hangin galing Pacific Ocean.

May binabantayan namang Low Pressure Area (LPA) na nasa 1,265 kilometers silangan ng Mindanao at wala pang direktang epekto sa bansa.


Naitala naman kahapon sa Surigao City, Surigao del Norte ang mapanganib na lebel na heat index o damang init na nasa 48.2°C.

Facebook Comments