Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Binabantayan ngayon ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na posibleng makaapekto sa bansa.

Ang isang LPA ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at nasa layong 160 kilometers, north-north west ng Laoag City, Ilocos Norte.

Mababa ang tiyansa nito na maging bagyo pero magdadala ito ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa trough o extension ng LPA.


Ang pangalawang LPA ay nasa east ng Mindanao at inaasahang papasok ng PAR mamayang gabi o bukas.

Walang din direktang epekto ang LPA at mababa ang tiyansang maging bagyo.

Sunrise: 5:31AM

Sunset: 6:14 PM

Facebook Comments