Tatlong Low Pressure Area (LPA) ang nakakaapekto ngayong araw sa bansa.
Ang dalawa sa mga ito ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kung saan namataan ang isa sa 195 kilometers southwest ng Sinait, Ilocos Sur habang ang isa pa ay nasa layong 335 kilometers east ng Aparri, Cagayan.
Bagamat mababa ang tiyansa na maging bagyo, magdadala naman ang dalawang LPA ng pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila at buong Luzon dahil sa trough o extension ng mga ito.
Namataan naman ang ikatlong LPA sa labas ng PAR sa layong 1,120 kms. east ng Mindanao at mataas ang tiyansang maging bagyo sa weekend.
Sunrise: 5:31 A.M.
Sunset: 6:15 P.M.
Facebook Comments