Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Walang mino-monitor na bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – umiiral sa bansa ang southwesterly surface windflow.

Nakakaapekto na ito sa kanlurang bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Kabisayaan.


Maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa Panay, Negros, at Zamboanga Peninsula.

Walang nakataas na gale warning kaya malayang makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments