Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Malaking bahagi ng Southern Luzon at Visayas ang apektado ngayong araw ng frontal system.

Dahil rito ang Bicol Region at Eastern Visayas ay makakaranas ng kalat-kalat na malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Habang maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero may mga localized thunderstorms sa hapon o gabi.


Kasabay nito, sa interview ng RMN Manila kay PAGASA weather forecaster Raymond Ordinario, sinabi niya na batay sa kanilang monitoring, posibleng sumabay sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa unang linggo ng Hunyo ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Sa ngayon ay asahan na aniya na magiging madalas na ang mga pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Sunrise – 5:27 A.M.

Sunset – 6:19 P.M.

Facebook Comments