Bagamat nag-uulan na sa hapon o gabi, wala pang opisyal na deklarasyon ang PAGASA ng panahon ng tag-ulan.
Ayon sa PAGASA, hindi pa kasi naabot ang 25 milimeters na rainfall sa loob ng limang sunod na araw.
Ngayong araw ng Lunes, walang bagyo o anumang sama ng panahon na nakakaapekto sa bansa.
Pero dahil sa frontal system, asahan na ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa hapon o gabi sa halos buong luzon at Eastern Visayas.
Ang temperatura ngayong araw sa Metro Manila ay nasa 23 – 33 degree Celsius, Metro Cebu, 27 – 34 at Metro Davao, 24- 33.
Sunrise: 5:26AM
Sunset: 6:20PM
Facebook Comments