Apektado ang Visayas at Mindanao ngayong araw ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Dahil dito, asahan ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Western Visayas, Palawan at Mindoro.
Iiral din ang maulap na may pag-uulan na panahon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon dahil naman sa southwesterly surface windflow.
Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay asahan ang mga isolated rainshowers o thunderstorms.
Sunrise: 5:26AM
Sunset: 6:20PM
Facebook Comments